Tuesday, June 27, 2006

tsk tsk tsk. this is becoming freaky!

Quickie:
Many different types of energy will be coming at you today. Take it all in slowly.

Overview:
Look for the good rather than automatically honing in on the negative. You'll be able to see beauty where you've never seen it before. Not only that, you'll be able to spot opportunity in the tightest circumstance.

ayos ah! enjoy tong daily horoscope! masama to eh! pero enjoy..hehe! it's just amazing na swak na swak yung mga pinagsasabi neto eh. hehe

Sunday, June 25, 2006

from friendster. hmmm intriguing...

Sagittarius

The Bottom Line

Enjoy your spot in the center of the action. You have a good view of many secrets.

In Detail

Your role as supportive mentor to the rest of your crew may feel uncomfortable at times, but it gives you a perspective on your friends that no one else has. Now, more than ever, you can see the connections that make people need each other so much -- and you have keen insight that could help them sort out their issues. Don't dole out advice unless you're asked, but when you are asked, be honest and don't pull any punches. People count on you to be there for them -- probably because you always are.

Monday, June 19, 2006

bad trip kayo.

naiinis ako sa mga taong parang hindi sila Pilipino kung manira. Naturingang Pilipinong-pilipino pero ang angas makapag-salita tungkol sa Pinas. Ako tanggap ko na nagmigrate ako at medyo (medyo lang daw...whoo!) krimen yon laban sa batas ng mga iskolar ng bayan, pero hindi ko naman sinisiraan ang Pinas. grabe naman. ako, pinupuna ko lang yung difference ng US sa Pinas(hal, kung gaano kaganda ang sistema ng public transportation dito sa US, o kaya naman kung gaano kalinis ang paligid) at hanggang doon na lang yon. Pero grabe na yung iba, na parang sobra yung galit nila sa Pinas, at kulang nalang ay duraan nila tas tapakan at itakwil ang Pilipinas. graabe naman. Nabigyan lang sila ng pagkakataon na makapag-US, ibang lebel na sila magsalita. Kala mo kung sino.

Kung ayaw nyo sa Pilipinas, aba, mas ayaw din sa inyo ng Pilipinas noh! Magsama-sama kayong walang utang na loob!

Ako, naniniwala pa rin ako sa Pinas. may Pag-asa pa tayo! amen! Let's go!

happy days

Father's day 2006 was a blast! first, it was my first green pay so it is but right to give everyone a treat: pizza for everyone, and something cool for my dad, it is his day anyway.

Everything was unexpected! Kala ko talaga sa chowking seafood lang kami kkain, pero nakaabot kami sa hollywood! At saws, sa Kodak Theatre pa! ay saws! grabidad evah! haaay...kumain kami sa California PIzza Kitchen (finally Cpk right in California!) overlooking the celebrated Hollywood sign that Biboy was dying to see. haha! ayun...happiness! akalain ko bang sa CPK Kodak Theatre ko pa unang mattreat ang family ko, more that it's on a Father's day...haaay..heaven ang feeling! ang saya isipin na yung pinaghihirapan ko ay naeenjoy ng family ko. Nothing beats that feeling. Nakakagana tuloy magtrabaho! hehe..haaay, happiness and the life. grabe, lalong nakakatuwa kasi alam kong masaya ang buong family...

haaay coolness.

Friday, June 16, 2006

on blog time

this is amazing! I just figured out na tama na yung oras na lumalabas sa blogs ko! hehe...palibhasa kasi nasa US pacific coast na koa eh. hehe...so it really is just minutes away from 12nn.

lapit na ng lunch time! yehey! friday na ngayon! yehey! sweldo ko ngayon! yehey! wala ang boss ko ngayon! yehey!

dreaming of my dreams

buong buo talaga ang loob ko na magkaron ng sarili kong business. grabe idol ko boss ko! idol ko si Mr. S. He's such a businessman. idol! i can't wait to finish my training and work closely with him. haaaay..kelan kaya yon mangyayari...

Wednesday, June 14, 2006

tunganga

walang boss. walang ginagawa. haaay.

Thursday, June 08, 2006

missing the past, setting for the future

anubayan...nakakainggit naman. pasukan na sa UP. err. hindi na ako mag-aaral (student) sa U-nibersidad ng Pilipinas. Hindi na ako pumila sa registration. Hindi na ako nagffill-out ng form 5. Hindi na ako nagc-crs. Hindi na ako magpapatatak ng ID. hindi na ako pipila para sa kakaunting slots ng isang subject. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi.

Ang weirdo ko talaga, lately, i've been wanting to get an MBA. Well not in the near future...but someday..hehe...ngayon tuloy iniisip ko kung is it just because i miss going to school (or should I say I simply miss UP life (errr..tlgang namimiss ko na ang buhay UP noh!)) or talagang gusto ko nang mag-MBA. hmmmmm...isip.isip.isip. coz i know getting an MBA is no joke. and it definitely needs soul-searching. (yack, tntmad akong mgsoulsearching!) kaya ang aking goal, until the year ends (talagang tamad ako noh! ang tagal mag-soul searching, isang taon!), is to decide whether I should get an MBA or not. ayan ha.

Tuesday, June 06, 2006

shattered dreams

i'm so fed up. pagod na akong ikulong yung feelings ko. nakakapagod! i don't even know myself anymore...and where i'm heading. nawawalan na ako ng gana.nawalan na rin ako ng direksyon sa buhay. wala nang motivation. wala na kasi akong mga pangarap. hindi ko alam, nabubura na sila sa kawalan.i'm not my same old self anymore. ang mahirap pa jan, no one understands me. no one. i feel so alone, figuratively and literally. haaaaaaaaaay.

Friday, June 02, 2006

westside


a-s-t-e-e-e-e-g!

haha!


malapit na matupad ang dream na yan!

this.is.westside.