exhaust
grabe itong araw na ito!hindi ako kumain. cereal lang. pinapak ko lang kasi hindi pa malamig yung milk. tapos hindi ako naglunch. actually naglunch naman pero fishball lang. wala na kong pera eh. and God knows why.
haay..i wanna blurt it out! gusto kong maglabas ng sama ng loob. hindi ko malabas sa execore kasi alam naman na nila yon. at i doubt kung maiintindihan nila without bias. what i need most now is an unbiased opinion. ayokong sabihin sa members. bawal. execore stuff. well pwede naman sa ibang mems na hindi chikadora, pero nakakahiya. and i doubt na wala rin silang bias. hindi pwede sa highschool berks..hmm, hindi nila magegets! tska minsan na nga lang magkikita, probs pa ang ikkwento ko! at lalong hindi pwde kay francis. not now. actually alam niya (i know, he understands me beyond my words.), hindi lang muna kami nagkikibuan kasi complicated pa ang mga bagay.
ayoko nang magalit. nakakapagod eh. mahirap makatulog pag galit. serious. ang masama pa jan hindi ko alam kung sino ang sisisihin. ang hirap para sakin kasi ang ugali ko parang sponge - absorb lang ng absorb. so at the end of it all. i'm left with everything, but no one's within my reach. kaya pag piniga ko, iaabsorb ko lang din. nothing happened. may pagka plastik din ako eh. gusto ko nang sumabog pero bawal eh. bawal ang explosives sa BA. (nye!) kailangan everything should seem ok, so everything will be ok. martyr ba? pero job ko yun eh. ano bang magagawa ko. pointless ang magalit. hindi rin naman tinatablan eh.
sana man lang may mga delikadesa ang mga tao. yan ang tinuro sakin ng mga magulang ko. kailangan maayos kang kausap. kung problema mo, harapin mo. pero badtrip, masyado kasi akong tinuruan ng humility. ayan tuloy, ako ang nahihirapan ngayon.
siguro masama rin yung lagi kang mukang matapang sa labas...kasi ikaw lagi ang sinasandalan. ikaw lagi ang inaasahan. pero bakit ganon, pag gusto ko nang magpahinga, wala naman akong masandalan.
sana bago sa birthday ko maayos na ito. maraming naapektuhan. hindi lang nila alam na naaapektuhan na sila. yun ang masama don. haay.
minsan iniisip ko tuloy kung mali ba ang nasalihan kong org, o mali ba na nagorg pa ko, o mali ba na nagofficer pa ko...haay...ewan. magulo isip ko. pagod na kasi ako. ang sarap sumuko pero bawal. hindi ganito ang hanap ko sa isang org.
hindi ako nagorg para hindi kumain ng buong araw, o para magaway kami ng bestfriend ko, o para hindi ko mabigay sa sarili ko ang mga gusto ko. (i guess hindi ko na talaga mabibili yung chucks na pinaka aasam ko. wala akong regalo sa sarili ko?! badtrip nga eh, nakita ko pa siya sa shop pagkadaan ko sa mall) badtrip, yung pinagiipunan ko, hindi ko man lang nagamit para sa sarili ko. san ka pa.
but at the end of it all, whatever happens, wala silang marereklamo sakin. subukan lang nilang manumbat. subukan lang nila. baka ipako ko sila sa krus. i know that I did everything i can - even living for a day with only a few coins in my pocket just enough for my fare to las pinas. yung tipong pag nahulugan ako ng piso, hindi na ko makakauwi. kaya wala silang karapatan magsalita. kahit patalikod. kahit sa harap ko. kahit subok lang, wala. wala na ngang natira sakin eh. pera, oras, kaibigan, bestfriend, at tiwala - the last being the most important. seriously, nakakawalang gana magtrabaho kapag yung mga tao sa paligid laging nananaksak sa likod. mahirap! haaaaaaay. but i chose to experience all of this. now i regret it.
haay. matutulog na lang ako. magpapakapagod bukas, at sa susunod...yung tipong mamamanhid na lang ako.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home