Friday, May 05, 2006

kagandahang walang katapat

Dahil sa masugid na pagsubaybay ni prinsesang marikit sa aking walang kwentang blog (nyahahaha!), ginanahan tuloy akong magblog ng mag-blog ngayon upang ituloy ang aking kagandahan entries! hahaha!

hindi ko lang kasi talaga makayanan ang kagandahan ko noong araw ng aking pagtatapos...gayon din ang kagandahan ni prinsesang marikit at nang iba pa naming ka-federasyon. ewan ko ba. Libre na nga lang yung make up ko non (courtesy of my friendly-neighbor parloristang si Teri). actually, regalo niya sakin yung make-up ko nung grad kasi suki na ko non since magsimula siya dito sa las pinas 5 years ago, imagine highschool pa lang ako non! At take note, PUYAT pa ko the night before ha! Dapat drained ang itsura ko non BUT NO!! Lumitaw pa rin ang kagandahan ko! uh-huh. Salat man sa medalya, panalo naman sa porma at ganda! oh, laban?! grabe, kahit saang anggulo nga ako mahuli ng camera, walang paltos ang aking pagka-photogenic! oh men, hindi ko ito kaya. at ang aking damit? grabe, sale lang yon! P800 pesosesoses lang yon! sa katunayan, nagiisa na lang yon sa rack ng SM Makati. Nung una, nalungkot pa ko kasi XL na lang ang natitirang size nung damit na yon! Ngunit dahil sa aking maagap na pagiisip, aking napagtanto na bilhin na rin ito at ipapa-alter ko na lang sa aking suking mananahi diyan sa may kanto. at take note, P150 lang nagastos sa pagpapa-alter! kamusta naman ang dress ko, 950 pesosesoses lang ang aking baro!!whew! kasama na ang shawl sa package na yon! (yung shawl na aking pinagpilitang gawing sleeves, hehe masabi lang na may sleeves yung damit ko..hehe!) sa kanutihang palad, hindi naman nangyari ang aking kinakatakutang magmukang MANANG. yeha!!!

hahahahahahahahahahahahahahahahahaha!


tama na! nakokonsensya na ko! sobrang joke time! hahahaha! nakakahiya! sobrang self-absorbed at narcissistic eh! Baka isipin ng iba nagbibiro ako (wahahahahahaha! joke time lang talaga!)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home